Ayon sa SWS survey tumaas ng 10 puntos ang trust rating ni Pangulong Marcos mula 38% noong Mayo ay naging 48% ngayong Hunyo. 48% may mataas na tiwala, 30% mababa ang tiwala at 21% undecided.
Kay Bise Presidente Sara Duterte naman ay bahagyang tumaas din ng 1 punto mula 60% sa Mayo ay naging 61% sa Hunyo. 23% may kaunting tiwala at 14% undecided.
Si Senate President Chiz Escudero ay malaking pagtaas mula 47% sa Mayo patungong 55% sa Hunyo ang nagtitiwala. 23% kaunting tiwala at 21% undecided at Speaker Martin Romualdez naman ay umangat din mula 26% sa Mayo patungong 34% ngayong Hunyo. 34% mababa ang tiwala at 27% undecided.
Ayon kay Prof. Dindo Manhit, “Ang pagtaas ng tiwala kay Marcos ay indikasyon ng muling pagtitiwala ng publiko. Kailangan itong mapanatili para sa matatag na pamahalaan.” Margin of error: ±3% at respondents ay 1,200 adult Filipinos nationwide. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV