Jerry Yan matapos ang F4 reunion: “Salamat sa mga kahanga-hangang alaala at kabataan.”

Nag-trending muli si Jerry Yan matapos niyang ibahagi sa Instagram ang kanyang ageless look habang suot ang eleganteng itim na beaded blazer, puting vest, at itim na pantalon. Ito’y kuha sa kanilang F4 reunion sa concert ng Taiwanese rock band na Mayday.

Kasama sina Vic Chou, Vanness Wu, at Ken Chu, muling pinasaya ng F4 ang fans sa kanilang performance ng hit song na “Meteor Rain.”

Sa caption ni Jerry: “Ang muling pagkikita ng kabataan at alaala ay simula ng bagong paglalakbay.” “Salamat sa magagandang alaala at kabataan,” dagdag pa niya.

Ang F4 ay sumikat noong 2001 sa seryeng Meteor Garden kung saan nakasama nila ang yumaong si Barbie Hsu bilang Shan Cai. Naglabas sila ng tatlong album at huling nagtanghal bilang grupo noong 2020. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *