Manufacturing sector ng Pilipinas, umarangkada sa 10-buwang high nitong Mayo 2025

Umarangkada ng 4.9% ang sektor ng manufacturing sa bansa noong Mayo 2025, ang pinakamabilis nitong paglago sa loob ng sampung buwan, ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang paglago ay patuloy mula sa 4.3% noong Abril, at pangunahing pinasigla ng malaking produksiyon ng pagkain na tumaas ng 15.7% (kumpara sa 11.2% noong nakaraang buwan).

Malaki rin ang naging ambag ng sektor ng transport equipment na lumago ng 13.5%, mas mataas kaysa sa 7.4% noong Abril.

Inaasahan pang lalago ang output ngayong Hunyo, kasunod ng ulat ng S&P Global na tumaas sa 50.7 ang Purchasing Managers’ Index (PMI) ng bansa—senyales ng expansion (dahil higit sa 50 ang index).

Bukod pa rito, iniulat ng Board of Investments (BOI) na may P15.02 bilyon na halaga ng mga aprubadong manufacturing projects ngayong unang kalahati ng taon—na inaasahang makalilikha ng mahigit 5,000 trabaho.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, ang positibong outlook na ito ay “magpapabilis sa pag-unlad ng ekonomiya at lilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.” | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *