Naglabas ng hinaing si Senator Risa Hontiveros ukol sa patuloy na pagkalat ng online gambling sa bansa at sa mga batas na tumatalakay dito.
Aniya, napag-iiwanan na ng teknolohiya ang mga batas sa bansa, dahilan ng kanyang paghahain ng panukalang-batas pabor sa mas pinahigpit na batas kontra online sugal.
Dagdag pa niya, patuloy siyang umaasa na magkaroon din ng sariling regulasyon ang e-wallet apps at at super apps ang online gambling.
“Sa dami ng reklamo na napadali ng e-wallets at super apps ang online gambling, bakit tila tahimik ang mga kumpanyang ito? Umaasa akong magkakaroon rin sila ng sarili nilang regulasyon dahil hindi biro ang mga buhay na nasira at pwedeng masira dahil sa online gambling,” saad ng Senador sa isang press release, July 14.
Ayon pa sa kanya, marami nang nagpapadala ng mensahe sa kanyang opisina dahil sa dami ng nalululong sa online gambling kaya naman hindi na sapat ang batas lang laban sa ganitong insidente.
“Sa ganitong sitwasyon, hindi na sapat ang pagsunod lamang sa batas. Kailangan din nating makiisa,” ani Hontiveros. | via Florence Alfonso | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV