Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 14, ang groundbreaking ceremony para sa bagong passenger terminal ng Caticlan Airport sa Aklan ang pangunahing daanan patungong Boracay.
Ang proyekto ay pinangangasiwaan ng Trans Aire Development Holdings Corp., isang subsidiary ng San Miguel Corp. Habang ang Megawide Construction Corp. ang naatasang magdisenyo at magtayo ng pasilidad. Target itong matapos sa loob ng 24 buwan, o mas maaga pa, ayon sa pahayag ni Marcos.
“Kung kaya niyo ng 18 months, hindi ako magrereklamo,” pabirong hirit niya sa Megawide.
Ayon kay Transport Secretary Vince Dizon, apektado ang turismo ng Boracay dahil sa limitadong kapasidad ng kasalukuyang paliparan. Inaasahan na mapapalawak ng bagong terminal ang airport capacity at mababawasan ang pangangailangang dumaan pa sa Maynila bago makarating sa Boracay.
Dagdag pa ni Marcos, layunin din ng pamahalaan na magbukas ng mas maraming regional airports para tumanggap ng direktang international flights mula Europe at Southeast Asia. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV