Arestado ang 50 drug suspects sa isinagawang 36 anti-drug operations sa Bicol Region mula Hulyo 7 hanggang 13, ayon sa Police Regional Office-Bicol.
Ayon kay Lt. Col. Malu Calubaquib, nasamsam ang kabuuang 888.53 gramo ng shabu at 9 gramo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P6 milyon. Kabilang sa operasyon ang buy-bust, warrant service, at iba pang proactive police actions.
Ang mga nahuli ay 12 high-value targets, 30 street-level pushers at 8 bagong tukoy na drug personalities.
Ang mga lalawigang may pinakamalaking nasabat ay Albay P2.56M, Camarines Norte P1.98M, Camarines Sur P1.31M sumunod naman ang Sorsogon P124K, Naga City P35.7K, Masbate P13.6K at Catanduanes P4K.
Patuloy pa rin ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa rehiyon. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV