Timbog ang dalawang high-value individuals (HVI) sa Lucena City matapos ang ikinasang buy-bust operation ng kapulisan at Drug Enforcement Unit sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena CIty bandang 5:46 pm kahapon, July 13.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas Axl at Bebe na nakumpiskahan ng isang sachet na may lamang limang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱34,000 at isa pang plastic bag na may 85 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng aabot sa ₱578,000.
Dagdag pa rito, nakuhaan din ang dalawa ng isang Astra Constable, isang uri ng .32 na baril, tatlong bala, isang gun holster, isang Isuzu D-MAX Pick-Up, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. | via Florence Alfonso | Photo via PRO 4A
#D8TVNews #D8TV