Inanunsyo ng ilang oil companies na magkakaroon ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula Martes, Hulyo 15, matapos ang dalawang linggong sunod-sunod na rollback. Ang presyo kada litro sa gasolina ➡️ +₱0.70, diesel ➡️ +₱1.40 at kerosene ➡️ +₱0.80.
Apektado ang Seaoil, Shell, Cleanfuel, at Petro Gazz pero hindi kasama ang kerosene sa Cleanfuel at Petro Gazz dahil hindi sila nagbebenta nito.
Effective ang price adjustment simula ng 6:00 ng umaga sa karamihan ng kompanya at 4:01 ng hapon sa Cleanfuel.
Ayon sa ulat, ang dahilan ng taas-presyo ay ang paggalaw ng langis sa pandaigdigang merkado, dulot ng tumataas na demand at posibleng pagbaba ng produksyon sa U.S.
Noong nakaraang lingo ay nagkaroon ng rollback sa gasolina -₱0.70, diesel -₱0.10 at kerosene -₱0.80. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV