Magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes dahil sa habagat (southwest monsoon), ayon sa PAGASA. Wala namang binabantayang bagyo o low-pressure area sa ngayon, pero may namataang mga ulap sa silangan ng Mindanao.
Ang mga apektadong lugar ay Western Central & Southern Luzon na may maulap na papawirin, may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog, Metro Manila at natitirang Luzon bahagyang maulap na panahon, may tsansang localized thunderstorms, Palawan asahan ang katamtamang pag-ulan, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM patuloy ang mga pag-ulan dulot ng habagat at ang natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao ay bahagyang maulap, may tsansang localized thunderstorms.
Walang gale warning na nakataas at ligtas ang paglalayag.
Forecast na Temperatura Laoag 24°C – 32°C, Baguio 17°C – 23°C, Tuguegarao 25°C – 34°C, Metro Manila 25°C – 32°C, Tagaytay 23°C – 30°C, Legazpi 26°C – 32°C, Puerto Princesa / Kalayaan 25°C – 31°C, Cebu / Tacloban / Zamboanga 25°C – 32°C, Iloilo 25°C – 31°C, Cagayan de Oro 24°C – 31°C at Davao 24°C – 33°C.
Palala ng PAGASA magdala palagi ng payong at i-check ang lokal weather updates para sa biglaang buhos ng ulan. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA
#D8TVNews #D8TV