Umabot sa ₱49.98 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula July 4–11, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya kontra droga.
Sa kabuuang 54 high-impact operations — kabilang ang 42 buy-bust, 4 interdictions, 4 search warrants, 3 marijuana eradications, at 1 routine inspection — 76 drug personalities ang naaresto. Nakumpiska ang 7,192.80 gramo ng shabu at nasira ang 5,100 marijuana plants, karamihan sa Cordillera.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, ang operasyon ay bahagi ng national anti-drug strategy na hindi lang sa pagsugpo sa supply at demand nakatuon, kundi pati sa rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga biktima ng droga.
Pinaalalahanan din ang publiko na magsumbong sa PDEA sa pamamagitan ng Facebook page “Isumbong Mo Sa PDEA” o tumawag sa #0995-354-7020 at 0931-027-8212. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of PDEA Facebook
#D8TVNews #D8TV