Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang inclusive at sustainable development sa mga komunidad, inanunsyo ng DILG ngayong Biyernes na 180 local government units (LGUs) na ang pormal na sumali sa Paleng-QR PH Program isang proyekto ng DILG at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para itaguyod ang cashless at ligtas na transaksyon sa mga palengke at transportasyon.
Ayon sa DILG-BSP Joint Memo No. 01-2022, bahagi ito ng National Strategy for Financial Inclusion 2022-2028. Sa kabuuan ng 5 LGUs sa NCR, 127 sa Luzon, 33 sa Visayas at 15 sa Mindanao.
Gamit ang QR Ph, ang mga tindera sa palengke, sari-sari store, drayber ng traysikel, at mga pasahero ay maaring magbayad gamit ang mobile phones mabilis, ligtas, at walang sukli-sukli!
Patuloy ang DILG at BSP sa pagbibigay ng technical assistance at financial literacy training para hikayatin pa ang ibang LGUs na sumali.
Layunin ng programa na hindi lang gawing moderno ang sistema, kundi bigyan din ng mas magandang oportunidad ang maliliit na negosyo. | via Lorencris Siarez | Photo Courtesy of DILG
#D8TVNews #D8TV