LGUs sa Cordillera, pinaalalahanang gamitin ang pondo sa disaster management

Nanawagan ang Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa mga Local Government Units (LGUs) sa rehiyon na gamitin nang buo ang nakalaang pondo para sa disaster preparedness at resiliency.

Ayon kay CDRRMC Chairperson at Office of Civil Defense–Cordillera (OCD-CAR) Regional Director Albert Mogol, maraming LGU ang nagsasabing kulang sila sa pondo tuwing may sakuna, pero ayon sa datos ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), hindi naman nila ginagamit nang buo ang nakalaang pondo na PHP837 million.

“Based on our data provided by the Bureau of Local Government Finance (BLGF) in the Cordillera, sabi ng LGUs wala daw pondo, ang totoo may pondo pero hindi nila ginagamit,” pagbunyag ni Mogol.

Umaabot sa PHP837 million ang inilaang pondo ng DRRM para sa Cordillera at sa ilalim ng batas, 70% nito ay para sa mga paghahanda sa sakuna, tulad ng hazard mitigation, disaster-related training, at pagbili ng equipment, habang ang 30% ay inilaan bilang Quick Response Fund (QRF) na ginagamit sa agarang pagtugon tuwing may sakuna.

Ibinunyag din ni Mogol na ang Cordillera ang may pinakamababang disbursement rate sa buong rehiyon.
Base sa datos ng BLGF hanggang nitong March 31, 0% pa lang ang nagagamit sa QRF, habang 6.9% pa lang ang nagagamit sa 70% na bahagi para sa preparedness programs.

“For response [QRF] walang disbursement, zero in municipalities and provinces as far as the 30 percent of the five percent is concerned, wala pa pong nagagamit na pera sa QRF. Dito naman sa [preparedness] 70 percent, napaka baba, only 6.9 percent ang nagagastos. Napakababa.” Pahayag ni Mogol.

Dahil dito, nanawagan si Mogol ng mas malinaw na ugnayan sa pagitan ng OCD, Department of Interior and Local Government, at BLGF upang masigurong epektibo, maaga, at nasa tamang paraan ang paggamit ng inilaang pondo.

“This is part of good governance. Use the funds as intended to make our municipalities and provinces more resilient.” | via Clarence Concepcion | Photo via PIA-CAR

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *