Isang panukalang circular ukol sa paggamit ng nuclear energy ang isusumite para sa pampublikong konsultasyon sa Hulyo 15, ayon sa Department of Energy (DOE). Nilinaw ni Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino na ang draft ay hindi sapilitan, kundi nagbibigay ng opsyon sa power distribution utilities (DUs) na pumasok sa mga kontratang may kinalaman sa nuclear power kung ito ay pasok sa kanilang pangangailangan at alinsunod sa prinsipyo ng least cost sa ilalim ng EPIRA law.
Paliwanag pa ni Aquino, bahagi ito ng plano ng gobyerno na palawakin ang energy mix para sa mas ligtas at mas matatag na supply ng kuryente. Kabilang sa mga benepisyo ng nuclear energy ang pagiging environment-friendly (walang emissions), may mahabang value chain na makatutulong sa ekonomiya at kakayahang makiisa sa grid integration.
Binanggit din ng DOE na ang draft circular ay inilabas bago pa man ang inaasahang pagpasa ng Philippine National Nuclear Energy Safety Act, na magtatatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilAtom). Tiniyak din ng DOE na anumang hakbang sa nuclear energy ay dadaan sa mahigpit na safety at security standards. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of the Bataan Nuclear Power Plant FB Page
#D8TVNews #D8TV