PWD na binugbog sa loob ng bus, nagsampa ng reklamo

Pormal nang nagsampa ng reklamo ang lalaking person with disability (PWD) na binugbog at kinuryente habang sakay ng Precious Grace Bus Co. noong Hunyo.

Kasama niyang magreklamo si Department of Transportation Secretary Vince Dizon sa Makati Prosecutor’s Office bilang tugon na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “protektahan ang mga vulnerable, partikular sa mga pampublikong transportasyon.”

“We are here under the directives of the President to protect the most vulnerable na ating mga kababayan. Narito tayo ngayon para magbigay ng mensahe para protektahan natin ang mga kababayan nating may kapansanan,” saad ni Gizon.

Dagdag pa niya, palaging nasa likod ng mga naabuso at naagrabyado ang DOTr upang umalalay at tumulong.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian upang masiguradong maipatutupad ang polisiyang poprotekta sa mga may kapansanan.

Ang utos ni Pangulong Marcos samin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian is kailangan na tayo magkaroon ng polisiya tulad ng polisiya sa ibang bansa kung paano aalagaan ang ating mga kababayan na may kapansanan lalo na sa public transport,” dagdag niya. | via Florence Alfonso | Photo via DOTr

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *