Tumaas ang approval rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 25% mula 19% noong unang quarter. Bumaba rin ang disapproval rating niya sa 47% mula 57%. Samantala, si VP Sara Duterte naman ay bumaba ng 6 puntos sa 36%, habang umakyat ang disapproval niya sa 42% mula 35%.
Si Senate President Escudero bumaba ang kanyang approval rating sa 28% mula 31%. Si Speaker Romualdez bahagya namang tumaas sa 15% at ang disapproval bumaba sa 52%. Si Chief Justice Gesmundo nanatiling halos pareho sa 20% ang kanyang approval rating.
Ang approval rating ng buong gabinete ni Pangulong Marcos ay tumaas sa 31% mula 26%, pinakamarami sa Visayas (30%). Disapproval bumaba sa 41% mula 49%.
Ang mga isyung dapat tutukan ayon sa publiko ay ang korapsyon (21%), ekonomiya at inflation (11%) at droga 7%, bumaba mula 13%.
Pinaka-sinusuportahang adbokasiya presyo ng bigas P20/kg (78%), pagtaas ng sahod (58%), halalan sa BARMM (55%), courtesy resignations (48%,) impeachment ni VP Duterte (46%) at imbestigasyon sa fake news (45%).
Ang mga government agencies na may improvement ay ang PNP, BSP, DA, at CHR. Trust ratings ng AFP, PNP, BSP at TESDA tumaas.
Mga pinaka-paboritong senador Risa Hontiveros +49% (mula +44%), Raffy Tulfo +46%, Alan Cayetano +41%. Sinabi ng PUBLiCUS na ito’y nakaapekto ng pagiging “senator-judge” sa impeachment ni VP Sara. Si Padilla ang may pinakamataas na net unfavorability 47%.
Batay ito sa 1,500 respondents sa survey ng PUBLiCUS Asia Inc. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV