Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng 397 Patient Transport Vehicles (PTV) sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa Luzon noong Miyerkules. Kabilang sa mga nakatanggap ay ang Ilocos (30), Cagayan Valley (72), Central Luzon (100), Calabarzon (27), Mimaropa (59), Bicol (64), at Cordillera (35).
Sa kanyang talumpati, muling tiniyak ng Pangulo ang pagtutok ng administrasyon sa pagpapalakas ng sistema ng serbisyong pangkalusugan sa bansa. Aniya, karapatan ng bawat Pilipino ang maayos na health care. Inilahad rin niya ang pagpupulong ukol sa badyet ng DOH, PhilHealth, at iba pang serbisyong medikal.
Ang pamamahagi ng PTVs ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO, na layuning suportahan ang mga LGU at ospital lalo na sa mga mahihirap at liblib na lugar ng sapat na transportasyong medikal.
Bawat sasakyan ay may stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor, at iba pang gamit. Inutusan ni Marcos si PCSO General Manager Mel Robles na palawakin pa ang distribusyon bago matapos ang taon. Tiniyak niya na tuloy-tuloy ang programa hanggang matugunan ang lahat ng LGU sa buong bansa. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV