May sapat na pondo ang DOH upang bayaran ang mga pribadong ospital

Tiniyak ng Malacañang na may sapat na pondo ang Department of Health (DOH) para bayaran ang mga utang sa pribadong ospital na tumanggap at gumamot sa mga mahihirap na pasyente.

Sa isang press briefing, nilinaw ni Palace press officer Claire Castro na hindi buong bansa ang apektado. Sa ngayon, 39 na ospital lang sa Batangas ang may isyu sa guarantee letters — ito’y mga dokumentong nagsisilbing pangakong babayaran ng gobyerno ang gastusin ng pasyente. Ang problema raw ay kulang o hindi kompleto ang mga dokumentong isinumite ng ilang ospital.

Ayon kay DOH, may P41.16 bilyong pondo para sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program sa 2025.

Paliwanag naman ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI), ang pagkaantala sa bayad ay dulot ng eleksyon at kakulangan sa personnel na nagpoproseso ng reimbursement. May ilang ospital na nakatanggap na ng P577 milyon, pero may natitirang P450 milyon na hindi pa nababayaran. | via Allan Ortega | Photo via assistance.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *