Opisyal nang inanunsyo ang mga gaganap sa Shrek the Musical para sa Philippine production! Si Jamie Wilson ang magiging Shrek kilala sa Encantadia Chronicles: Sang’gre at Ang Huling El Bimbo. Ang prinsesa ng kaharian, si Princess Fiona, ay gagampanan ni Krystal Kane, isang batikang theater actress na lumabas na sa The Sound of Music at Legally Blonde.
Ang nakakatuwang sidekick na si Donkey ay si Topper Fabregas, habang si Lord Farquaad, ang kontrabida, ay si Bibo Reyes na kilala sa Broadway at Ang Huling El Bimbo.
Ang produksyon ay mula sa Full House Theater Company ng Newport World Resorts. Si Dexter Santos ang direktor, kasama si Cara Barredo bilang assistant director, Stephen Viñas bilang choreographer, at Ejay Yatco bilang musical director.
Base ito sa 1990 na aklat ni William Steig at 2001 na pelikula ng DreamWorks. Ang kwento nito si Shrek na isang ogre ay sumabak sa misyon para iligtas si Fiona, tulong-tulong kasama ang kaibigang Donkey laban kay Lord Farquaad para mabawi ang kanyang latian.
Tatakbo ang musical mula Oktubre 31 hanggang Disyembre sa Newport Performing Arts Theater at ang ticket ay P1,500–P4,500 via Ticketworld, Helixpay, o sa Newport Box Office. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV