Si “Paul,” 8 taong gulang, unang humawak ng vape na akala’y laruan lang. Nakuha ito mula sa mas batang kaibigan na kumuha ng lumang vape ng kuya niya. Sa una, inakala niyang ligtas ito—parang sigarilyo pero walang apoy. Isang hithit, isang bugá—pero agad niya itong itinapon matapos sabihan na delikado ito lalo na sa tulad niyang bata.
Hindi lahat ay kasing-swerte ni Paul. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI), bumaba man ang kabataang naninigarilyo sa 2.3% noong 2021, umakyat muli sa 4.8% noong 2023. Mas lumalala pa ito sa pagkalat ng murang vape (P249 lang) at bentahan sa sari-sari stores o sa labas ng paaralan. Sa katunayan, halos kalahating milyon ng kabataang 10–19 anyos ay vaper na—mula sa 37,000 noong 2021, sumirit ito sa mahigit 423,000 noong 2023.
Mas malala pa, ayon sa FNRI at CDC, may mas matinding epekto ang nikotina sa batang utak—nakakasira ng atensyon, mood, pagkatuto, at impulse control. Kasama pa riyan ang banta ng kanser, sakit sa puso, at iba pa.
Bilang tugon, inilunsad ang kampanyang TobaccOFF NOW! kasama ng Positive Youth Development Network at 170 kabataan. Layon nito na itaas sa 21 ang minimum age ng pagbili ng vape o sigarilyo, i-ban ang flavors na patok sa kabataan at higpitan ang bentahan, promosyon, at presyo.
Layunin ng kilusang ito na protektahan ang kabataan mula sa mapanlinlang na taktika ng tobacco industry. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV