Palasyo: Marcos pag-aaralan ang muling inihain na panukalang batas tungkol sa divorce at anti-political dynasty

Tinitingnang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga muling inihain na panukalang batas sa Kongreso, partikular ang Divorce Bill at Anti-Political Dynasty Bill.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala pang malinaw na posisyon ang Pangulo sa Divorce Bill. Kailangan pa raw pag-aralan ang mga nilalaman nito, lalo’t tila isinama ang mga dahilan ng legal separation bilang basehan ng annulment.

“Depende sa provisions at suporta ng simbahan,” ang sagot kung susuportahan ito ni Marcos.

Isinulong din ng Makabayan bloc ang pagbabawal sa sabay-sabay na pagtakbo o panunungkulan ng magkakapamilya sa politika. Wala pang opinyon ang Pangulo—hintay raw muna ng buong detalye bago magdesisyon.

Sinusuportahan naman ng Pangulo ang panukala ni Sen. Panfilo Lacson na limitahan ang paggamit ng social media ng mga menor de edad, lalo na kung ito’y nakakaapekto sa mental health. “Basta para sa kabataan, susuportahan ng Pangulo,” ani Castro. | via Allan Ortega | Photo via RTVM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *