Arestado ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines sa Quezon City matapos mahulihan ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱1.3 milyon nitong Martes, July 1.
Nahuli si alyas “Angelo” matapos magsagawa ang Criminal Investigation and Detection Group Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit (CIDG-AFCCU) kasama ang Philip Morris Fortune Tobacco Corporation Inc. (PMFTC Inc.) sa No. 53 V. Luzon Extension, Mendoza St., Barangay Sangandaan, Quezon City.
Nakuha kay “Angelo” ang anim na master case ng Marlboro Red, five master cases ng Fortune Menthol Green, at 480 reams ng Chesterfield Red na nasa ₱1,364,000 ang tinatayang halaga.
Ayon pa kay CIDG Acting Director PBGen Romeo Macapaz, tungkulin ng mga awtoridad na protektahan ang karapatan ng mga tao sa kanilang pag-aari.
Dagdag pa niya, patuloy na gagampanan ng CIDG ang kanilang sinumpaang trabaho.
“Rest assured that the CIDG is steadfast in enforcing all the laws of the land and unyielding to all criminals. “We are CIDG, we will act on the difficult task immediately,” saad ni Macapaz. | via Florence Alfonso | Photo via CIDG
#D8TVNews #D8TV