Bandang 10:31 ng umaga, nagsagawa ng random K9 inspection ang pinagsanib na puwersa ng PDEA RO VIII Airport Interdiction Unit/K9, Tacloban City Office, at Tacloban City Police Station 2 sa isang mail at parcel center sa Brgy. 93, Bagacay.
Sa operasyon, nasabat ang isang (1) transparent na plastic bag na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may bigat na 250 gramo at halagang ₱30,000.00 sa merkado.
Walang naaresto sa insidente at patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan at destinasyon ng ilegal na droga.
Tiniyak ng PDEA RO VIII na tuloy-tuloy ang kanilang mga hakbang para hadlangan ang pagpasok at pagkalat ng bawal na gamot sa rehiyon gamit ang masigasig at intelligence-based na operasyon. | via Allan Ortega | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV