Abot-kamay na ang benteng bigas! Sa 94 na lugar sa bansa, pwede nang makabili ng P20/kilo na NFA rice — luma pero kalidad, para sa minimum wage earners at mga nangangailangan, ayon sa Department of Agriculture.
Simula June 23, 542 metric tons na ang nabenta — worth P10.83M — at nakatulong na sa 63,473 na pamilya sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo (KNP). Pinangunahan pa ni Pres. Bongbong Marcos ang pagbubukas ng KNP site sa Zapote Market, Bacoor!
Available na rin ang BBM Na rice sa mga pop-up store at partner retailers sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, ilang bahagi ng Mindoro, Pangasinan, Bacolod, Siquijor, at 37 sites sa Cebu.
34 na kompanya ang sumali sa BBM program kasama ang DOLE — sa ngayon, nasa P2.8M na ang benta para sa minimum wage earners. Target: abutin ang 120,000 benepisyaryo.
Ang presyo ng imported rice ay status quo pa rin. Hindi pa rin bababa ang MSRP ng imported rice (P45/kg) sabi ng DA, hintayin munang bumuti ang sitwasyon bago ibalik ang mungkahing P43/kg. Tuloy ang monitoring, habang binabantayan din ang epekto ng Israel-Iran ceasefire sa presyo ng langis. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV