Isko Moreno nagpatupad ng curfew mula 10 pm. hanggang 4 am. para sa mga menor de edad sa Lungsod ng Maynila

Sa pagbabalik ni Mayor Isko Moreno sa puwesto, agad niyang pinirmahan ang Executive Order No. 2 na nagtatakda ng curfew o “protection hours” para sa mga menor de edad sa lungsod ng Maynila—mula 10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m.

Walang parusa sa mga batang mahuhuling pagala-gala sa lansangan sa halip, ihahatid sila pauwi o dadalhin sa barangay para isuko sa magulang.

Ipinag-utos ni Mayor Isko sa Manila Police at Social Welfare Department ang pagpapatupad ng curfew checkpoints sa mga entry at exit points ng lungsod. Sa dahilang dumarami ang ulat ng kabataang umiinom, nakikipag-away at nalululong sa ilegal na droga tuwing dis-oras ng gabi.

Ayon kay Moreno, layunin nitong protektahan ang kabataan at panatilihin ang kapayapaan sa komunidad. Hindi nito inaalis ang responsibilidad ng mga magulang. Ani Mayor: “Gusto lang naming maging extra magulang.” May kaakibat ding itong mga intervention programs gaya ng counseling, group activities at parenting seminars. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *