Matapos ang emosyonal na pagtatapos ng Squid Game Season 3 kung saan isinakripisyo ni Seong Gi-hun (Lee Jung-jae) ang kanyang buhay para sa sanggol ni Jun-hee, ibinunyag ng direktor at manunulat na si Hwang Dong-hyuk na balak niya sanang iligtas si Gi-hun kasama ng iba pang mga karakter at makasama ang anak nito sa Amerika.
Pero ayon kay Hwang sa Vanity Fair, napagdesisyunan niyang baguhin ang ending dahil sa lumalalang kalagayan ng mundo—lumalaking agwat sa yaman, krisis sa klima, banta ng digmaan, at kawalan ng pag-asa ng kabataan. Aniya, “Panahon na para magsakripisyo ang nakatatanda para sa kinabukasan ng bagong henerasyon.”
Sa huling yugto, si Gi-hun ay namatay para iligtas ang sanggol, na siyang naging huling nanalo sa laro. Sumabog ang isla habang tumakas sina Frontman (Lee Byung-hun) at mga pink soldiers. Makalipas ang ilang buwan, dinalaw ng Frontman ang anak ni Gi-hun sa LA at iniabot ang natirang premyo at duguang tracksuit. Sa dulo, may misteryosong tagpo kay Cate Blanchett bilang posibleng bagong recruiter.
Tungkol naman sa posibilidad ng US spinoff, nilinaw ni Hwang na kahit natapos na ang laro sa Korea, buhay pa rin ang sistemang pinagmulan nito. Hindi ito basta-bastang mawawala—lalo na sa modernong lipunan na tinawag niyang “deeply entrenched.”
Umangat agad sa #1 ang Season 3 sa Netflix Global Top 10, na may 60.1M views mula June 23–29. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV