Pitong pulis, arestado sa kasong pangingikil

Arestado ang pitong pulis na nakadestino sa Manila Police District (MPD) matapos umanong masangkot sa robbery-extortion, arbitrary detention, paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Presidential Decree No. 1829 o Obstruction of Justice.

Naganap ang pag-aresto bandang alas-onse ng gabi ng Lunes, June 30, na pinangunahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos may magreklamong isang citizen.

Ang mga naarestong pulis ay bahagi ng Anti-Drug Unit ng Station 5 na may mga ranggong lieutenant (1), staff sergeant (3), at patrolmen (3).

Ayon sa ulat ng NCRPO, ang lalaking nagreklamo ay maling inaresto noong June 20 laban sa kasong may kinalaman sa droga.

Habang nasa kustodiya ng kapulisan, kinikilan umano ang asawa ng lalaki ng aabot sa ₱50,000 para palayain ito. ₱20,000 lamang ang nabigay ng asawa ngunit pinalaya pa rin ng kapulisan ang lalaki.
Dagdag pa rito, binalik din agad ng kapulisan ang pera matapos malamang nagsampa ng pormal na reklamo ang mag-asawa.

Matapos maaresto ng kapulisan, nabawi ang pitong cellphone na ginamit umano sa pangingikil, limang police ID, screenshot ng transaksyon, at resibo ng remittance ng pera.

Saad naman ni NCRPO Regional Director PMGen Anthony Aberin, kakasuhan at aarestuhin ang mga “rouge policeman.”

“Under the Chief PNP’s core leadership pillar on police accountability, there will be no second chances for police scalawags. NCRPO will not allow these criminals to taint the integrity and dedication of those who are doing good in the service. Rogue policemen will be arrested, detained, charged and removed from the service, based on due process of law ,” ani Aberin. Ι via Florence Alfonso | Photo via NCRPO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *