Nasa 60% na ng mga balotang gagamitin sa 2025 midterm elections ang naimprenta ng Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, posibleng matapos ang buong proseso sa Marso 20.
Sa kabuuang 72 milyong balota, 44 milyon na ang naimprenta, habang target namang matapos ang manual at automated verification sa Abril 14.
Sa kabila ng temporary restraining order mula sa korte noong nakaraang mga buwan, nananatiling on-track ang COMELEC sa kanilang timeline. I via Benjie Dorango
COMELEC, 60% Nang Tapos sa Pag-imprenta ng Balota
