Liloan Bridge sa Southern Leyte isasailalim sa limitasyon ng bigat ng sasakyan

Simula Hulyo 4, ipatutupad na ang bagong 3-toneladang weight limit sa Liloan Bridge sa Southern Leyte, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang hakbang ay dahil sa pinsalang idinulot ng 5.8 magnitude na lindol noong Enero 23, na nagpalawak sa expansion joint ng 298-metrong tulay na nag-uugnay sa Panaon Island at mainland Southern Leyte.

Una nang ipinataw ang 10-toneladang limitasyon pagkatapos ng lindol, na ibinaba sa 5 tonelada noong Marso at ngayon ay 3 tonelada na lang. Ang bagong limitasyon ay kapareho ng sa San Juanico Bridge na inirekomenda rin ng DPWH simula Mayo 15 dahil sa structural issues.

Papayagan pa rin makatawid ang mga bakanteng trak na hanggang 5 tonelada hanggang Hulyo 3 bilang palugit. Payo ng DPWH gumamit ng roll-on, roll-off na sasakyan sa mga pantalan ng Maasin, San Juan, at Saint Bernard para makatawid papuntang mainland.

Ayon kay Lord Byron Torrecarion ng OCD, naghahanda ang rehiyon ng plano para matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng pangunahing pangangailangan sa mga apektadong bayan: San Francisco, San Ricardo, Pintuyan, at Liloan. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *