Tumaas ang net external liabilities ng Pilipinas sa $69.3 bilyon sa pagtatapos ng Marso 2025, mas mataas ng 5.8% mula sa $65.5 bilyon noong Disyembre 2024, ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, mas mabilis ang paglago ng dayuhang pamumuhunan sa bansa (external liabilities) na tumaas ng 2.7% sa $326.8 bilyon, kaysa sa pagtaas ng overseas investments ng Pilipinas (external assets) na 1.9% sa $257.5 bilyon.
Pinakamalaking bahagi ng foreign investments (56.1%) ay napunta sa “other sectors” tulad ng mga korporasyon, kabahayan, at non-profit groups. Sumunod ang pamumuhunan sa securities at utang ng gobyerno (28.6%), banking sector (14.1%), at Special Drawing Rights mula sa IMF (1.2%).
Kung ikukumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, lumobo ng 17.2% ang net external liabilities mula $59.1 bilyon, bunsod ng mas malaking pagtaas sa foreign liabilities (+7.4%) kaysa assets (+5.1%).
Sa kabuuang foreign assets ng bansa, pinakamalaki ang bahagi ng reserve assets sa $106.7 bilyon (41.4%), kasunod ang mga utang at bonds, equity capital, deposito, at iba pang securities. | via Allan Ortega | Photo via Courtesy of Anadolu
#D8TVNews #D8TV