Jo Yuri, isa sa mga bida ng “Squid Game,” babalik sa pagkanta sa july 14

Matapos ang matagumpay na pagganap bilang Kim Jun-hee (Player 222) sa Squid Game Season 3, muling magbabalik sa musika si Korean singer-actress Jo Yuri sa pamamagitan ng kanyang ikatlong EP na pinamagatang “Episode 25,” na ilalabas ngayong Hulyo 14, ayon sa WakeOne Entertainment.

Ang bagong EP ay kasunod ng kanyang 2022 release na “Love All” kung saan nanalo ang kantang “Taxi” sa isang TV music chart show. Ang Episode 25 ay may parehong pamagat ng kanyang unang solo fan concert na ginanap nitong April, kung saan kinanta niya ang “Panorama” ng Iz*One at ang unreleased track na “Growls and Purrs.”

Kamakailan lang, dumalo rin si Jo sa preview ng Squid Game Season 3 sa New York. Ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang behind-the-scenes photos at karanasan sa nasabing event. Pinuri ang kanyang pagganap bilang Jun-hee—isang ina na nanganak habang nasa gitna ng delikadong laro. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *