Ipinahayag ng PhilHealth-Ilocos Region na abot-kamay na ng mga miyembro ang Z Benefits para sa piling orthopedic implants sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC). Ayon kay Dr. Michael Muñoz ng Philippine Hip and Knee Society, sakop nito ang pagpapalit ng kasukasuan (hip at tuhod), at pagkakabit ng plates, screws, at pins sa mga nabaling bahagi gaya ng hip, humerus, forearm, wrist, femur at tibia.
Walang dagdag-bayad sa mga kuwalipikadong pasyente dahil sa no balance billing policy. Depende sa kaso, puwedeng makinabang ang mga pasyente ng benepisyong nagkakahalaga ng ₱100,000 hanggang ₱260,000.
Simula nang maging contracted facility ang ITRMC noong 2022, nasa 380 pasyente na ang nakinabang. Ayon kay ITRMC Chief Dr. Eduardo Badua III, tinutugunan ng Z package hindi lang ang pangangailangang medikal kundi pati ang pinansyal na kalbaryo ng mga pasyente.
Dagdag pa rito, nakatakda ring mag-apply ang ITRMC para sa rehabilitation medicine services. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV