PAGCOR, BI, mas pabibilisin ang repatriation ng illegal POGO workers

Aprubado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang ₱50 milyon na budget ng Bureau of Immigration (BI) upang mas mapabilis ang pagpapauwi sa mga nahuling illegal POGO workers sa bansa.

Pinirmahan ang kasunduan kahapon, June 30, sa PAGCOR Executive Office sa Pasay CIty, na kung saan agarang nabigyan ang BI ng ₱25 milyon.

“This grant provides humanitarian support while we continue cleaning up the gaming industry,” saad ni PAGCOR CEO at Chairman Alejandro Tengco.

Dagdag naman ni BI Commissioner Joel Anthony Viado, mas mapapanatili ang kaligtasan ng mga Pilipino kung mas mabilis na mapapauwi ang mga ilegal na nagtatrabaho sa mga POGO.

“Fast-tracking the deportation cases of illegal POGO workers will help ensure a safer community for Filipinos,” ani Viado. | via Florence Alfonso | Photo via PAGCOR

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *