Problema sa basura sa Maynila, tututukan ni Mayor Isko Moreno

Sa unang araw ng kanyang pagbabalik sa opisina, agad na hinarap ni Manila City Mayor Isko Moreno ang suliranin ng lungsod sa tambak na basura.

Ayon kay Mayor Isko, sumulat sa kanilang tanggapan ang PHILECO Waste Management upang ipabatid na ititigil na nito ang pangongolekta ng basura sa lungsod dahil sa umano’y ‘wrongful termination’ ng kontrata.

Bukod dito, binawi na rin ng Metrowaste Solid Waste Management ang kanilang kontrata sa koleksyon ng basura simula kahapon, June 30.

Ibinunyag ng alkalde na may higit ₱900 milyon na hindi pa nababayarang obligasyon ang lungsod kaugnay ng waste management services.

Dahil dito, ikinabahala ni Mayor Isko ang posibleng epekto ng sitwasyon sa kalusugan ng mga residente.

Nanawagan siya sa city council na isailalim ang Maynila sa state of public health emergency.

Samantala, nakiusap din siya sa Leonel Waste Management na hakutin muna ang basura sa lungsod nitong Lunes, June 30, nang libre. | Photo Screengrab from Isko Moreno Domagoso’s FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *