

Nakatakda nang ibiyahe ang mga labi ni Christian Tendido Ambon patungong Samar bukas mula sa isang punerarya sa Sta Cruz manila. Sya ang criminology fresh grad na napatay ng taumbayan sa Malate Maynila matapos mapagkamalang snatcher. Lumuwas sya para sana mag apply na sekyu pero disgrasya naman ang inabot. Problema ng pamilya kung paano babayaran ang punerarya na umabot na sa 83,000 pesos.
Ngayong araw, February 21, agad sinulusyunan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kanilang problema. Nakipagkita sa kanila si PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles para i-abot ang cash assistance at ma-release na sa punerarya ang mga labi ng napaslang mahal sa buhay.
Sa kabila ng pangungulila, todo pasalamat si pamilya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, GM Mel Robles at sa PCSO sa malaking tulong na natanggap nilang naulila. – via Benjie Dorango