Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Labor and Employment Sec. Bienvenido Laguesma, ₱50 ang dagdag sa arawang sahod ng nasa 1.2 million minimum wage earners sa NCR.
Ibig sabihin, ang mga manggagawa sa non-agriculture sector ay makatatanggap ng ₱695 daily minimum rate mula sa ₱645.
Tataas naman sa ₱658 mula ₱608 ang arawang sahod ng mga manggawang nasa agriculture, retail, service, at manufacturing sectors.
Epektibo ang taas-sahod simula sa July 18.
#D8TVNews #D8TV