P50 dagdag-sahod sa BARMM private workers, kasado na

Aprubado na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang panukalang P50 daily wage hike sa mga manggagawa sa pribadong sektor simula sa susunod na buwan.

Pinirmahan ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua ang Wage Order No. BARMM-04 noong Huwebes at agad magiging epektibo 15-araw matapos mailathala ang kautusan sa mga pahayagan na may sirkulasyon sa rehiyon.

“This PHP50 increase in the daily minimum wage reflects a deep understanding of the needs of our workers while considering the realities faced by our employers,” ani nito.

Sakop ng bagong kautusan ang buong rehiyon maliban sa mga manggagawang hindi saklaw ng batas, gaya ng mga domestic workers at mga empleyado ng mga registered microenterprise.

Ang hakbang na ito ay tugon sa pagtaas ng halaga ng bilihin, epekto ng inflation, at panawagan ng mga labor groups para sa mas mataas na sahod. | via Clarence Concepcion | Photo via MOLE-BARMM

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *