Pasaherong may dalang bulto-bultong pera, naharang sa NAIA

Hindi nakalusot sa Bureau of Customs (BOC) ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 25 matapos madiskubre ang limpak-limpak na salapi sa kanyang bagahe.

Patungo sana ang pasahero sa Hong Kong ngunit nang dumaan sa screening ang kanyang bagahe ay natuklasan na may laman itong ₱1.2 milyon at $580,000 na hindi idineklara.

Nasa kustodiya na ng BOC ang pasahero at naisalang na sa inquest proceedings sa mga kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act; Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions; The New Central Bank Act; at anti-money laundering. | Courtesy: Bureau of Customs

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *