Mariing pinanindigan ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa sa gitna ng lumalalang tensyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr.
Sa isang pahayag ni Brawner ngayong araw, June 26, patuloy na panghahawakan ng militar ang kanilang sinumpaang tungkulin sa bansa.
The Filipino soldier is — and will always be — primed to defend the motherland, with courage, honor, and unwavering resolve,” ani Brawner.
Binigyang papuri din ni Brawner ang AFP, aniya, hinulma ng panahon, paghihirap, at labanan mula pa sa pagkakatatag nito noong 1897 hanggang sa kung ano ang samahan ngayon.
“From fighting colonial rule to addressing modern-day threats, this long and storied history is the foundation of the Filipino warrior’s strength and identity. More than weaponry or technology, it is this unshakable spirit and patriotism that defines the AFP’s true might,” hayag ng AFP. | via Florence Alfonso | Photo via AFP
#D8TVNews #D8TV