Muling magbabalik sa loob ng ring ang Pambansang Kamao na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao matapos itong mag hiatus sa professional boxing sa loob ng apat na taon.
Pormal nang inanunsyo ni Pacquio ang kanyang pagbabalik sa boxing at susubukang pataubin ang Mexican-American boxer na si Mario Barrios upang makamit WBC welterweight title, na kasalukuyang hawak ni Barrios, sa darating na July 19, sa Las Vegas, Nevada.
Inamin ng eight-division world champion na muling nabuhay ang kanyang gutom sa pakikipaglaban, at sa kabila ng kanyang edad na 46, nasa kanya pa rin ang apoy at dedikasyon sa boxing.
“Now I’m back, I’m hungry to fight again. I’m hungry to fight in a big fight like this. To work hard, have discipline, everything like that.” Aniya.
“I’ve missed boxing. I feel like the passion, the fire in my eyes, working hard — it’s still there.” Dagdag pa niya.
Balik ensayo na ang pambansang kamao at sasamahan siya ng kanyang long-time veteran trainer na si Freddie Roach.
Matatandaang huling lumaban si Pacquiao noong 2021 kung saan natalo siya kay Yordenis Ugás via unanimous decision. | via Clarence Concepcion | Photo via Patrick Fallon/Getty Images\
#D8TVNews #D8TV