Nais ng Department of Transportation (DOTr) na pagandahin ang sistema ng LRT-2 sa pamamagitan ng pagsasailalim ng proyekto sa public-private partnership (PPP).
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, aprub naman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong pagsasailalim ng LRT-2 sa PPP.
Ito ay bunsod ng sunod-sunod na nararanasang aberya sa mga pampublikong transportasyon.
Tulad na lamang kahapon, June 25 kung saan maraming pasahero ng LRT-2 ang naabala dahil sa aberya sa transformer.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na hindi madaling ayusin ang sistema ng tren dahil sa limitadong budget at procurement rules.
Sa ngayon, tinutulungan ng International Finance Corporation ng World Bank ang pamahalaan para mapabilis ang pagsasailalim ng LRT-2 sa PPP.
Plano rin ng DOTr na maisailalim ang MRT-3 sa PPP sa tulong naman ng Asian Development Bank.
Tiniyak ni Dizon na PPP ang long-term solution sa isyung ito para mabawasan ang hirap ng mga Pilipino sa pampublikong transportasyon.
#D8TVNews #D8TV