Tapyas-presyo sa petrolyo, ‘posible’ sa susunod na linggo

Matapos salubungin ng dalawang serye ng taas-presyo sa petrolyo ang mga motorista ngayong linggo, posible namang mabawi ito sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa Mean of Platt Singapore (MOPS) sa nakalipas na dalawang araw, posibleng namang magkaroon ng price rollback sa petrolyo.

Sa pagtataya ng JETTI Petroleum ay maglalaro sa ₱0.80 hanggang ₱1.10 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

Sa gasolina naman ay posibleng tumaas ng ₱0.10 o tapyas-singil na ₱0.20 sa kada litro.

Pero ayon kay Romero, masyado pang maaga para matiyak na magkakaroon ng rollback sa petrolyo sa susunod na linggo.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *