DSWD, namahagi ng ayuda sa 62,000 pamilyang tinamaan ng ‘Carina’ sa Gitnang Luzon

Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 sa pamamahagi ng mahigit ₱348.75 milyon sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) para sa mahigit 62,000 pamilyang nasalanta ni Super Typhoon Carina noong Hulyo 2024.

Ang payout ay sinimulan nitong Martes sa Abucay, Bataan at Arayat at Candaba, Pampanga, at tatagal hanggang unang linggo ng Hulyo.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, “Hindi sapat ang relief goods—dapat tuloy-tuloy ang tulong hanggang maka-recover ang mga pamilya.” Layunin ng ECT na suportahan ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tubig, gamot, at iba pa.

Bawat pamilya ay makakatanggap ng ₱5,625. May bantay na seguridad sa payout sites mula sa PNP at mga lokal na disaster offices upang masiguro ang maayos at ligtas na distribusyon.

Ang ECT ay bahagi ng pangmatagalang estratehiya ng DSWD para i-bridge ang gap mula relief patungong recovery. | via Lorencris Siarez | Photo via DSWD

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *