ITCZ at habagat, magpapaulan sa ilang panig ng bansa

Maghanda sa panibagong ulan, mga kababayan! Ayon sa PAGASA ngayong Huwebes, dalawang weather systems ang namamayani — ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang habagat o southwest monsoon.

Dahil dito, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga lugar sa Kalayaan Islands dahil sa habagat, habang ang Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao Occidental ay uulanin naman dahil sa ITCZ.

May banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar, kaya mag-ingat!

Sa ibang bahagi ng bansa, paisa-isang ulan o thunderstorms ang inaasahan.

Walang epekto sa bansa ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon kay PAGASA forecaster Chenel Dominguez. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *