Ivana Alawi: ‘Hindi ako pinalaking manira ng pamilya’

Mariing itinanggi ng aktres at social media personality na si Ivana Alawi ang mga alegasyon ng pagiging kabit.

Sa kanyang recent YouTube vlog, sumalang ang aktres sa ilalim ng lie detector test at sinagot ang katunungan na “Ikaw ba ay nanira na ng pamilya?”

“No. Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect families kasi kami nga broken family. Ano ’to, tas maninira ako ng family?” depensa ng aktres.

Maingay sa social media ang mga usap-usapan kaugnay ng umano’y relasyon ng aktres kay Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez, matapos siyang madawit sa complaint affidavit ni Dominique “Nikki” Lopez-Benitez laban sa kanyang asawang si Benitez. | via Clarence Concepcion | Photo Ivana Alawi/YouTube

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *