₱611-M defense aid mula Japan, ibibigay sa PAF at Navy

Tumataginting na 1.6 bilyong Japanese yen o katumbas ng ₱611 milyon ang ilalaan ng Japan para sa Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy sa ilalim ng Official Security Assistance (OSA) program.
Ayon sa PAF, ang tulong mula sa Japan ay bahagi ng pagsisikap na palakasin ang depensa ng bansa, kabilang ang mga kagamitan gaya ng radars, sensors, at Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) platforms.

Sinabi ni PAF chief Lt. Gen. Arthur Cordura na makatutulong ang OSA program hindi lamang sa disaster response kundi pati sa pagpapahusay ng Maritime Domain Awareness (MDA) o ang kakayahang unawain ang mga aktibidad at kondisyon sa karagatan na maaaring makaapekto sa seguridad, kaligtasan, at ekonomiya ng bansa.

“We have actually a very progressively increasing defense relationship, a very healthy defense relationship with our ally that is Japan. The OSA will provide us avenues to increase or enhance our capabilities particularly on MDA,” ani ni Cordura.

Dagdag pa niya, “Our priority here is our sensors, radars. In addition, OSA allows us to access HADR platforms also, and equipment.”

Ang Pilipinas ay isa sa apat na bansang napili ng Japan na makatatanggap ng OSA assistance ngayong taon.

Ito na ang ikalawang beses na nagbigay ng grant aid ang Japan sa ilalim ng programang ito | via Clarence Concepcion | Photo via Embassy of Japan

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *