Mga Marinong Pilipino, may libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 sa Hunyo 25

Libreng sakay sa LRT-2 at MRT-3 ang handog ngayong Miyerkules para sa mga propesyonal na seafarer bilang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.

Ayon sa Department of Transportation at MARINA, available ang libreng sakay sa LRT-2 mula 7:00–9:00 a.m. at 5:00–7:00 p.m., habang sa MRT-3 naman ay simula 5:30 a.m. sa lahat ng istasyon. Kailangan lamang ipakita ng mga marino ang kanilang Seafarer’s Record Book, SID, o SIB sa mga ticket booth.

Bilang dagdag, magsasagawa rin ng “2025 Gawad Natatanging Mandaragat” para kilalanin ang mga seafarer na nagpakita ng kahusayan sa maritime safety, innovation, at environmental protection. May job fair din sa Rizal Park Hotel para sa mga naghahanap ng trabaho sa maritime sector. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *