Kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa

May mga pag-ulan sa bansa ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Asahan ang panaka-nakang ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms sa maraming bahagi ng bansa.

Sa Zambales, Bataan, at Palawan, may dala namang kalat-kalat na pag-ulan ang habagat, na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Ang Metro Manila at iba pang lugar ay makararanas din ng pabugso-bugsong ulan o thunderstorms.
Babala ng PAGASA, delikado pa rin ang matitinding bagyo kahit wala sa forecast.

Samantala, ang binabantayang Low Pressure Area ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility at naging isang tropical cyclone, pero wala itong direktang epekto sa Pilipinas—papunta ito ng China.

Kalakhang bahagi ng bansa ay makararanas ng banayad hanggang katamtamang hangin at alon. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *