Handa nang magbigay ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidy para sa mga PUV driver at operator, ayon sa isang press release ng DOTr ngayong araw, June 24.
Ito ay bunsod ng gulo sa Middle East sa pagitan ng Iran at Israel, dahilan upang magkaroon ng big time oil price hike.
Ayon pa rito, lahat ng tsuper ay mabibigyan ng fuel subsidy, hindi lamang ang mga consolidated.
“Hindi kailangang consolidated na ang mga driver o operator para makatanggap ng fuel subsidy. Gusto ng pamahalaang maging inklusibo ang programa lalo’t buong sektor ay mararamdaman ang epekto ng pagtaas ng krudo—consolidated man o hindi,” ayon sa pahayag ng DOTr.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOTr at LTFRB sa ibang ahensya ng gobyerno upang mas mapabilis ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga driver. | via Florence Alfonso | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV