Unang batch ng Filipino repatriates mula Middle East, pauwi na ng bansa

Inaasahang makararating na sa Pilipinas mamayang gabi ang 31 Pilipinong naipit sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

Pauwi na sana kaninang umaga ang mga OFWs nang ma-stranded sa Hamad International Airport dahil isinara ng Qatar ang kanilang airspace.

Personal silang sinundo ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sakay ng Qatar Airways Flight QR 934 para siguruhin ang kanilang seguridad at kaligtasan.

Ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pagkakalooban ang 31 repatriates ng ₱150,000 financial assistance, pansamantalang tutuluyan o kaya’y sasagutin na ng pamahalaan ang kanilang biyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.

Naka-standby rin ang iba pang ahensya tulad ng DSWD at DOH para magbigay ng psychosocial counseling at tulong medikal sa mga repatriate.

Magbibigay rin ang TESDA ng skills training para sa upskilling para sa redeployment options sa mga OFW, maging ang DTI para sa business at livelihood support.

Tiniyak naman ng DMW na naka-monitor ang Pangulo sa sitwasyon ng ating mga kababayang lubhang apektado ng gulo sa Middle East.

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *