Magandang balita sa Visayas! Nag-anunsyo ang Primelectric Holdings Inc. na may bawas-singil sa kuryente ngayong Hunyo 2025. Sa Bohol, may 75 sentimos na bawas kada kilowatt-hour — katumbas ng P150 tipid sa karaniwang household. Sa Iloilo City, 61 sentimos ang ibinaba ng singil ng More Power, habang 55 sentimos naman ang kaltas ng Negros Power sa Central Negros — abot hanggang P110 na ipon kada bahay.
Ayon sa PHI, ang bawas-singil ay dahil sa mas murang power generation sa merkado at mas mababang transmission charges. Dagdag pa, patuloy raw silang gumagawa ng hakbang para bumaba pa ang singil — tulad ng system upgrades at market strategies.
Sabi nga ni PHI CEO Roel Castro: “Ang bawat pisong natitipid sa kuryente, pwedeng mapunta sa pagkain, edukasyon, o simpleng kasiyahan ng pamilya.” | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV